Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3

“E, ba’t sabi mo kagabi, baka ‘yun lang talaga ang amoy sa lugar na ito. Kung anu-ano ang umaamoy,” kontra ni Aleli sa asawa.

“‘Yun ang palagay ko, ‘pero hindi ko matiyak.”

Muli, umanyong nag-isip si Mang Domeng. Para bang hinahanap nito sa isipan ang dapat nitong ipaliwanag sa mag-asawa.

“Parang hindi ko yata mabibigyan ng kasagutan ang mga sinabi n’yong ‘yun a. Bago sa pandinig ko ‘yun,” nasabi nito.

Naisip din kasi ni Mang Domeng na napakalayo ng susunod na baryo para maamoy ng mag-asawa ang mga bulaklak kung mayroon man doon.

Sabagay, hindi imposible kung tatangayin ng hangin patungo rito. Pero wala namang alam si Mang Domeng na halamang mabulaklak sa kabilang baryo. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga roon.

“Di ibig n’yong sabihin Mang Domeng, hindi n’yo rin kayang ipaliwanag kung saan nanggagaling ang mga amoy ng bulaklak na naamoy namin kagabi?” Tanong ni Aleli.

“Hindi ko maipapaliwanag sa ngayon. Pero magtatanung-tanong ako sa kabilang baryo, baka nga me mabulaklak na maamoy at nakararating dito ang amoy.”

“‘Yung bulaklak, p’wede. E, ‘yung amoy ng kandilang pinatay, sa’n galing ‘yun.”

“Itatanong ko rin sa kabilang baryo ang tungkol sa bagay na iyan.”

“Siyanga pala Mang Domeng, sa’n ba kami makakabili ng maiuulam namin para sa tanghalian. Meron kaming dala ritong mga de lata. Pero gusto ko, magluluto kami at bibili na rin kami ng kalan kahit de uling,” tanong ni Randy sa matandang karpentero.

“Aba’y di sa palengke, sa bayan.”

“P’wede n’yo ho ba kaming samahan?”

“Oo ba, ‘yun lang pala e. Tutal me kotse naman kayo.”

“Ayan ayos, makakapamasyal ako,” tuwang sabi ni Aleli.

“O halika na,” yaya ni Randy.

Si Mang Domeng pa ang nagbukas ng malaking pintuan para makalabas ang kotse.

Sa palengke, parang bata si Aleli na turo ng turo sa mga nakikita.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3”

  • 1 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:22 pm

    yayks…mjo nkakatakot na ang scene..hehe

  • 2 anne08 says:
    July 23, 2010 at 8:21 am

    nkakatakot!!!huuhuh!!!

  • 3 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:21 pm

    nakakatakot.

  • 4 maricel_uoya says:
    July 21, 2011 at 12:04 pm

    hehe nakakatakot

  • 5 eam says:
    October 18, 2011 at 3:26 am

    It’s gettin more xcitin

Mag-iwan ng mensahe...