Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

“Hindi nga, pero iba na ‘yung nakakarami. Remember, bagong kasal tayo.”

“Kung anu-ano talaga ang ikinakatwiran mo para mapagbigyan lang kita ‘no.”

“S’yempre naman, ayokong maaksaya ang mga sandali.”

“E, busog na busog pa ako du’n sa kinain nating inihaw na hito at adobo.”

Kung ano kasi ang inulam nila nu’ng tanghali ay siya ring inulam nila ng gabi. Hindi na sila nagluto, liban sa kanin. Pareho kasing hindi marunong magluto ng ulam. Kung hindi pa kay Mang Domeng, hindi sila makakatikim ng adobong hito.

“Sabagay ako nga rin. Iba kasi ang kain natin dito. Mas masarap kesa du’n sa bahay.”

“Oo nga. Probinsiya kasi ‘to. Doble ang kain ko rito. Baka tuloy pag-uwi natin sa atin hindi na tayo makilala dahil sa katabaan.”

“Oo nga ‘no.”

“Dapat siguro, magpigil tayo ng konti sa pagkain.”

“Pero teka, nakakahalata ako, a. Iniiba mo ang usapan. Nawawala tayo du’n sa talagang topic, a.”

Ang tawa ni Aleli.

“Luko-luko, siningit mo na naman ‘yung gusto mo!”

Ang tawa rin ni Randy.

HATINGGABI na. Pasado alas dose. Naghihilik na si Randy. Pero si Aleli, gawa ng mababaw ang tulog ay madalas nagigising. Tapos ay pipilitin uling matulog.

Biglang napadilat ang nakapikit na nitong mga mata nang makarinig ito ng kakatwang ingay na nagbubuhat sa labas ng bahay. Ang ingay ay tulad din nang narinig nila kagabi. ‘Yung nananaghoy na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang boses. Bahaw na malamig.

“Ayun na naman.”

Gusto nito sanang gisingin si Randy. Pero naisip nitong ‘wag na lang. Tiyak na kung ano ang sinabi sa kanya kagabi ay malamang na ‘yun din ang sasabihin sa kanya ngayon.

Pinilit na lang nitong balewalain ang naririnig. Inisip ‘yung sinabi ni Mang Domeng. Likha lang ‘yun ng hangin dala ng walang matamaang anuman ay nagiging sound na parang panaghoy ng tao.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :D D

Mag-iwan ng mensahe...