Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

Mahaba na rin ang sandaling nagdaan pero patuloy pa rin ang panaghoy. Bagay na lalong hindi magbigay ng katahimikan kay Aleli para ito makatulog.

“Pambihira namang ingay ‘yan, hindi tuloy ako makatulog.”

Tiningnan nito si Randy. Bagaman madilim, nasanay na ang mga mata nito. Tulog na tulog. Parang sanggol na mahimbing ang pagkakatulog na walang pakialam sa nagaganap sa kapaligiran.

May inggit tuloy itong nadama para sa asawa.

“Mabuti pa siya, tulog na.”

Ang panaghoy kanina na hindi kalakasan ay unti-unting lumalakas ngayon. Bagay na ikinainis ng husto ni Aleli.

“Lintik na panaghoy ‘yan nakakabuwisit!”

Para naman lalong nang-iinis ang panaghoy. Bukod sa lumakas ito ay dumami pa. At ang panaghoy ngayon ay nakapangingilabot, dumadaing ‘yun nang mahaba at bahaw na bahaw ang tono na parang nanggagaling talaga sa ilalim ng lupa.

May kakaibang nadama na ngayon si Aleli. Ang pagkainis nito ay unti-unting nahahalinhan ng takot.

“Iba na ‘to.a.”

Nanunuot sa kalamnan nito ang panaghoy. Umuukilkil sa kanyang utak na nagdudulot ng ibayong kilabot.

Ang takot na bumabalot sa kanyang katauhan ay lalong nagpalala nang humalimuyak sa loob ng silid ang amoy ng kandilang pinatay at bulaklak ng azucena.

“Ang nangyari kagabi, heto na naman.”

Pilit nitong pinaglalabanan ang takot. Hindi pa rin ito nagpasya na gisingin ang asawa. May bagay na nabuo sa kanyang isipan.

“Bubuksan ko ang bintana para lumabas ang amoy na iyon.”

Bumangon ito sa papag at kinuha sa ulunan ang tukod ng bintana. Itinukod nito ‘yun saka itinulak ang bintana. Binuksan nito ng todo saka ikinatang ang dulong tukod sa kawayang pasimano ng pinaka-hamba ng bintana.

Gimbal ito nang makita ang kabuuang tanawin sa labas ng bintana. Katiting na itong mapasigaw sa takot. Taranta sa takot na ginising si Randy.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :D D

Mag-iwan ng mensahe...