Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

“Umalis na tayo rito Randy.”

“Teka, titingnan ko rito sa balkonahe,” sabi ni Randy at lalabas ito ng silid.

Humabol si Aleli na takot na takot.

“‘Wag mo ‘kong iwan ditong mag-isa sa silid.”

“Halika.”

Nang buksan ni Randy ang pinto sa salas, ‘yun din ang tumambad sa kanilang paningin. Mga nitso ang nasa paligid.

Tinungo nila ang balkonahe. Nakita nila na maging sa loob ng bakuran ay may mga nitso na rin. Ang kotse nila na nakaparada sa tabi ng bahay kubo ay napapagitnaan ng mga nitso. Hindi magagawa na mapatakbo ‘yun gawa ng mga nitsong nakaharang sa daraanan.

“My God, paano nangyari ito?”

“Paano tayo ngayon makakaalis dito Randy?”

“‘Yun nga rin ang iniisip ko. Nasa gitna tayo ngayon ng sementeryo.”

Ang mga panaghoy at amoy ng bulaklak na patay at kandilang bagong patay ay naglaho na. Para bang ‘yun lang ang nagsilbing panggising sa mag-asawa upang saksihan ang nangyayari ngayon.

“Halika na rito sa loob ng bahay Randy, isara natin lahat ng pinto at bintana saka hintayin na lang nating mag-umaga.”

Nagustuhan niya ang suggestion ng asawa. Baka kung mag-umaga na ay magbalik na sa normal ang lahat. Humaging kasi sa kanyang isipan na baka ang nangyayaring ito ay gawa lamang ng optical illusion. Dinadaya lang sila ng kanilang paningin.

Tulad din ‘yun ng “mirage” kapag ikaw ay nasa gitna ng diyerto at uhaw na uhaw sa tubig. Bigla, lilitaw sa iyong pangitain ang mga bagay na kinauuhawan mo. Tulad ng fountain na may malamig na tubig. O dili kaya ay mga pitsel ng tubig na nagpapawis sa lamig. O mga botelya ng mineral water na malamig na malamig din.

Tatakbo ka ngayon doon upang kunin, subalit ‘yun ay biglang mawawala. Ang lahat ng iyon ay likha lamang ng iyong imahinasyon dala ng uhaw.

Baka ganu’n din ang nangyayari sa kanila ngayon ni Aleli. Dala ng kung anu-anong iniisip nila sa mga nangyari nu’ng nagdaang gabi ay nakabuo ang imahinasyon nila ngayon ng “mirage.” At ‘yun ay itong sementeryong nakikita nila ngayon.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :D D

Mag-iwan ng mensahe...