Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6

Nagpagulung-gulong sila hanggang sa umabot sa batalan. Doo’y nagawang makuha ni Randy ang bangang inuman ng tubig. Pilit niyang binuhat ‘yun at ubod lakas na ibinagsak sa ulo ng isa sa dalawang bangkay na nakakapit sa kanyang hita.

Nabasag ang banga at sumabog ang tubig na laman at nakabitiw sa pagkakakapit sa hita niya ang bangkay.

Nagawa ngayon ni Randy na makatayo at ubod lakas na bigwasan ang natitirang bangkay na nakakapit sa isa niyang hita.

Tumalsik ito sa lakas ng suntok niya na nakabitiw rin sa hita niya. Sa pagkakakawala niya ay mabilis siyang tumakbo patungo sa salas para saklolohan ang asawa na kasalukuyang naririnig niya ang malakas na tili nito.

Gulat siya sa nakitang ayos ng asawa.

Hawak ng apat na bangkay ang magkabilang paa at kamay na binubuhat palabas ng bahay.

Nagtititiling pumapalag si Aleli.

“Randy, Randy, tulungan mo ako!”

Ang isa sa silyang rattan ang agad na napagtuunan ni Randy ng pansin upang gawing sandata para panlaban sa mga bangkay.

Mabilis niyang kinuha ang isa roon at malakas na ihinataw sa isa sa apat na bangkay na may dala kay Aleli.

Sa likod timanaan ang bangkay na siyang may hawak sa isa sa paa ni Aleli. Napangungod ito na nabitiwan ang pagkakahawak sa paa ni Aleli.

Ang silyang rattan ay halos mawarak sa lakas ng pagkakahataw ni Randy. ‘Yung lakas na buhat-araw talaga ang ibinigay niya para huwag makabangon.

Pero gayunpaman, parang hindi nasasaktan ang mga bangkay na bawat masuntok o matadyakan niya.

Ang isa pang bangkay ang hinarap ngayon ni Randy. ‘Yung may hawak sa kabilang paa ng asawa. Hinataw niya rin ito ng silyang rattan sa dibdib. Napaigtad ito na nakabitiw rin sa paa ni Aleli.

Dahil doon, nagawa ngayon ni Aleli na makatayo bagaman hawak pa rin ito sa magkabilang kamay ng dalawa pa sa bangkay.

Nagpapalag ito.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

15 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6”

  • 1 celene says:
    January 30, 2010 at 6:23 pm

    grabe..
    nakaka inis naman toh
    akala ko ba romantic pocketbooks toh
    bat nakakatakot toh?
    grabe ah
    nakakatakot tlga xa

    • 2 kara says:
      June 6, 2010 at 9:26 pm

      grabe. Walang kwenta. nakakatawa lang. Parang yung mga comedy sa tv. Next tinme gumawa ka ng misteryoso, kagaya ni pearl angeli. Chaka.

  • 3 saizel says:
    March 12, 2010 at 8:46 pm

    …..grabeh naman kakatakot….
    ….and i like the story…..

  • 4 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:50 pm

    puro thrill..wla na yung romance..im getting bored..diverted ang focus..

  • 5 cj says:
    September 1, 2010 at 9:56 pm

    im pocketbook lover,,and i didnt find that this story was interesting,,u need to learn basic things how to write novel or story,its not realistic,,the reader didnt know how to react,u have talent to write but still u still need more knowledge.in writing novel its not like kung anu ung nasa isp mo sulat mo agad its not like that u must think also if it was fit on the story..keep on writing but bfore u post it on this site think of it if its was really enuf to the readers.look wat happen my mga bad comments tuloy,,goodluck

  • 6 kc says:
    November 4, 2010 at 12:55 pm

    bat ganun? horror nma ito eh. akala ko ba tungkol sa romance???

    • 7 LoveBug_14 says:
      November 4, 2010 at 1:00 pm

      kakatakot aman…
      akala ko love story???

  • 8 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:37 pm

    uu kkatakot nmn 2 nkkainis…… prng wlang love story puro kkatakot

  • 9 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:41 pm

    grrrrr……..nakainis tlga ano ba 2 kla luv story nakkainis

  • 10 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:48 pm

    wow action naman ngayon.. at sobrang may thrill..
    ok nga yung story e.. kakaiba..saka sa site na ito wala namang sinabi na romance lang ah.. TAGALOG POCKETBOOKS.. meaning anything, any genre.. kung beyond reality naman ang story, ok lang.. parang movie din naman yan,. eh kung kayo kaya ang sumulat ng ganyang kahabang story.. and besides, hndi naman hahayaang ipublish yan dito kung wala yang kwenta diba? kung ayaw nyo sa story nya better stop reading it and make your own story.. haha komento lang.. ang matamaan, SAPUL!!
    next chapter na, oye! :)

  • 11 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:55 am

    yeah right d aman cnv n l0ve st0ry pocket b0oks kung mkpg bad c0mment naman 2ng mga toh atxka nkikibasa lng dn naman keo puro p keo reklam0.alm nio n plng h0rr0r bat pinagpa2l0y nio p ung pgbbaxa meanz nacyahan dn keo libre n nga mgbaxa makac0mment naman keo ng negative wagas wagas naku naman.

  • 12 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:59 am

    ung ixa oh writer k pla bt d k nlng gumawa ng xrling xeo at ipaqta mu d2 kung anu ang kaya mung gawin n cnsv mung wlng thrill ung xa author bka inggit lang yan neng kung aq xeo tgil mu nlng yan lol xD

  • 13 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 1:07 am

    ay d pla writter p0cket b0ok lover lng pla kung mkareact kala mu auth0r .tnt. Wahaha

  • 14 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:25 am

    Dapat binaril ni Randy yung Mga ulo ng Zombies! Mas epiktibo yun :-)

  • 15 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:28 am

    Hello po so far ang Ganda pa din ng stories :-) UY suggestion Ko Lang po yung unang comment Ko ha? :-) matanong Ko Lang po, may bayad po ba dito kung mag- susulat po Ako ng kwento?

Mag-iwan ng mensahe...