Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7

Mahaba-haba ring sandali ang ginawa ritong pagkaladkad hanggang sa makarating uli sila sa dating lugar. Doon sa may dalawang bangkay na naghuhukay.

Ngayon ay hindi na nakikita ang dalawang bangkay na naghuhukay kundi ang mga lupa na lang nilang ihinahagis na paitaas sagilid ng hukay.

Ibig sabihin ay malalim na ang nagagawang hukay. Lampas tao na. ‘ Yun ang kainamang hukay para sa isang ililibing.

Ang katahimikan naman ng gabi sa loob ng sementeryong iyon ay binabasag ng hagulhol ni Aleli Nagmamakaawa. Pilit na humihingi ng habag.

“Pawalan n’yo naako. Maawa kayo sa akin…”

Walang pumapansin sa kanyang pagmamakaawa. Parang hindi alam ang kanyang lengguwahe na sinasabi. At parang hindi rin marunong ang mga iyon na tumingin sa isang taong nagmamakaawa.

Lumapit ang pinaka-lider sa gilid ng hukay. Sinilip ang lalim. Kapagkuwa’y sinenyasan ang dalawang naghuhukay na umahon na.

Magkasunod namang umahon ang dalawang bangkay na naghukay.

Si Aleli ay nakatayo na ngayon mga limang dipa ang layo mula sa hukay habang hawak ito sa magkabilang braso ng dalawa sa mga bangkay.

Sa kanyang nakita na reaksiyon ng mga bangkay ay hindi na magkakamali ang kanyang kutob kanina na ang hukay ay para sa kanya. Ililibing siyang buhay.

Lumakas ngayon ang hagulhol. Palahaw ng isang taong papatayin.

“H’wag n’yo ‘kong patayin. Maawa kayo sa akin. Wala akong kasalanan sa inyo!”

Subalit sa halip na kahabagan ito ay padahas na binitbit ito ng dalawang bangkay na may hawak kay Aleli sa magkabilang braso at pilit na inilalapit sa hukay sa utos ng pinaka-lider ng mga bangkay.

Lalo namang nagpalahaw ng pagmamakaawa si Aleli. Halos maubos ang boses nito sa kasisigaw kahabagan lamang.

“H’wag po.h’wag po, maawa kayo. Wala akong kasalanan sa inyo!”

Pero patuloy pa rin ang pagbitbit dito patungo sa hukay. Ang asawa ang sumagi pa rin sa isipan nito hanggang sa huling sandali.

“RANDY, ASAN KA? ILIGTAS MO AKO RITO!”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7”

  • 1 annah says:
    March 1, 2009 at 9:48 am

    asan na poh karugtong ng kwento s taghoy s hatinggabi? kakabitin poh kc kwento eh…jejejeje!
    plz published poh ang karugtong s kwento thanks & more power zah inio lahat ^_^

  • 2 annah says:
    March 1, 2009 at 9:50 am

    zuper gandah kwento i like horror kxeh jejeje !!!!

  • 3 Raya de jesus says:
    May 30, 2009 at 2:32 pm

    Pls pa publish npo ng next pages exciting kc ang kwento nka2bitin. Nwei congrats and more power! Nice plot..

  • 4 marvic says:
    July 28, 2009 at 1:51 pm

    project

  • 5 tin says:
    August 9, 2010 at 11:55 am

    Walang kwenta. Bobo ung author!!! Kaburaot!!! Sobrang imposibleng mangyari. Pagnakita ko author nito babatukan ko!!! Hanggang maging zombie!

  • 6 hazel says:
    January 29, 2011 at 8:06 am

    asan na kc ung holy water na bigay nung pari. .dapat hanapin niya un..

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:48 am

    nice talaga horror story….
    super…
    pata ako nadadala na rin sa takot…
    huhuh…..^_^..

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 11:16 pm

    ayan na.. haha
    kalerki..
    kala ko zombies will eat their brains.. hndi pala haha..
    ganun pa man, asan na ang next chapter? hehe :p

Mag-iwan ng mensahe...