Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8

Hanggang saan matatapos ang habulang ito? Tanong ng isipan niya.

Tiyak ‘yun sa sandaling mahuli siya at gawin sa kanya kung anumang ang binabalak ng mga bagkay.

Tatagal ba naman ang katawan niya sa katatakbo nang walang puknat makalayo lang sa mga bangkay?

Binalot ng takot ang kanyang sarili sa naisip na iyon. Tiyak na mapapagod siya sa katatakbo at ‘yun ang pagkakataon para sa mga bangkay para mahuli siya.

“Hindi…hindi ako papayag na pahuli sa kanila!”

At dahil sa kaiisip niya sa mga gayong bagay ay nawala siya sa konsentrasyon sa paglundag sa kasunod na nitso. Nagkabisala ang paa niya. Bumagsak sa tagiliran lang ng nitso imbes na sa gitnang ibabaw sana.

Dahil doon na-out of balance siya. Nagpagiwang-giwang.

“Naku…nakuuu.”

Gumiwang siya sa gawing kanan at tuluyang bumagsak sa pagkakatungtong sa nitso Mabuti na lang at bumagsak siya hindi sa mga nitsong yari sa semento, kundi sa tatlong magkakasunod na puntod at naka-umbok na lupa. May nakatusok na krus na yari sa kahoy sa ulunan ng puntod na magkakasunod.

Sa pagbagsak ni Randy sa puntod, napasandig pa ang likod niya sa krus na kahoy na nakatusok sa ulunan ng isa sa tatlong puntod.

Paupo ang pagkakabagsak niya sa nakaunat ang dalawang paa na parang nakalupasay sa ibabaw ng puntod. At mula sa posisyon niyang ‘yun ay kita niya ang paparating na mga bangkay habang nagtatalunan sa mga nitso.

Ang makatayo agad sa pagkakalupasay niyang ‘yun ang nasa kanyang isipan. Ngunit natigilan siya nang makita na gumagalaw ang lupa sa puntod sa gawi ng kinauunatan ng magkabila niyang paa.

Umaalibukaw ang lupa sa ibabaw ng puntod. Parang may gustong umahon mula sa ilalim.

Biglang tayo tuloy si Randy buhat sa pagkakalupasay at makatakbo palayo doon ang agad na kanyang naisip.

Ngunit bago niya nagawa ‘yun ay kitang-kita niya na buhat sa umaalibukaw na lupa ay sumulpot ang isang kamay na naaagnas. Hanggang siko ang pakakalabas ng kamay na naaagnas buhat sa ilalim ng lupa.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”

  • 1 MAY says:
    August 4, 2010 at 9:30 am

    AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..

    • 2 marie says:
      November 20, 2012 at 10:37 am

      Siguro yong nah sulat ito walang maisip n magandang romance story at ito p tlaga isinulat corny putik

  • 3 tin says:
    August 9, 2010 at 12:39 pm

    Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!

  • 4 myra delposo says:
    October 23, 2010 at 4:02 pm

    wla dw saysay ang ganda nga eh,kung walang saysay bkit binasa mo?basta aq naga2ndahan ako exciting basahin,akala q ha2ntong ang story sa tampuhan at lambingan hnd pla bsta pra sken magaling ang nag sulat ni2

  • 5 kYro Pkblover says:
    October 26, 2010 at 12:44 am

    yaHh tamAa :) )
    haha xcitinq nq
    s2ry .. <3 it .. !!

  • 6 Angelwiln says:
    July 1, 2012 at 3:58 am

    exciting! =)

Mag-iwan ng mensahe...