Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8

Sa gitna ng nakaambang kuko ng kamatayan ay sumingit sa kanyang isipan na baka si Randy ay patay na? Mas nauna pa itong namatay kesa sa kanya.

Posible nga! Sabi ng isipan nito.

Napahagulhol ito nang malakas sa naisip nitong iyon.

“Randy, o Randy…”

“Kung sakali, sa langit na kami magkikita. Napakasaklap naman ang kinauwian ng aming honeymoon.”

“An’ dami namang maaaring masaklap na mangyari sa aming honeymoon, kung bakit sa ganito pang kakaibang pangyayari,” parang paninisi na nasabi nito.

Naaalala nito tuloy ang sinabi sa kanya ni Randy ilang buwan bago sila ikasal.

“Nag-iisip ako ng kakaibang lugar na maaaring pagdausan ng ating honeymoon.”

Nagustuhan niya ang iniisip ng nobyo.

“Oo nga…gusto ko ‘yung kakaiba talaga at exciting.”

“Talaga. Ang iniisip ko ‘yung lugar na magiging kakaiba para sa ating dalawa. ‘Yung talagang hindi pa nararanasan ng tulad nating mayaman.”

Alam hi Aleli, hindi ‘yun maaaring sa ibang bansa o sa mga mararangyang lugar. Pangkaraniwan na lang kasi sa kanila ang mga ganu’ng lugar.

“Me isa-suggest ako sa ‘yo kung saang lugar nating magandang gawin ang ating honeymoon ”

“Saan…?” Sabi na tanong ni Randy.

“Sa isang barung-barong, sa eskwater area.”

Nag-isip si Randy.

“P’wede rin, dahil pareho pa nating hindi nararanasan ang matira at matulog sa isang barung-barong na nasa eskwater area.”

“Talaga… di ba maganda ‘yun?”

“Sana nga, pero magiging option na lang natin ‘yun kung sakali.”

“Bakit…?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”

  • 1 MAY says:
    August 4, 2010 at 9:30 am

    AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..

    • 2 marie says:
      November 20, 2012 at 10:37 am

      Siguro yong nah sulat ito walang maisip n magandang romance story at ito p tlaga isinulat corny putik

  • 3 tin says:
    August 9, 2010 at 12:39 pm

    Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!

  • 4 myra delposo says:
    October 23, 2010 at 4:02 pm

    wla dw saysay ang ganda nga eh,kung walang saysay bkit binasa mo?basta aq naga2ndahan ako exciting basahin,akala q ha2ntong ang story sa tampuhan at lambingan hnd pla bsta pra sken magaling ang nag sulat ni2

  • 5 kYro Pkblover says:
    October 26, 2010 at 12:44 am

    yaHh tamAa :) )
    haha xcitinq nq
    s2ry .. <3 it .. !!

  • 6 Angelwiln says:
    July 1, 2012 at 3:58 am

    exciting! =)

Mag-iwan ng mensahe...