Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 12

Napabuntunghininga na lang siya. “It’s all right, Mom. Hindi naman ho masasabing nasulot uli ako this time. Kasi, hindi pa naman ho ako pormal na nagtatapat sa kanya.”

“Good!”ani Mrs. Cuervas. “Kalimutan mo na lang ang babaing yon! Don’t ever see that girl again after taking back the ring!”

“Of course,” nasabi na lamang niya nang buong kapaitan. “Yes, of course.”

TARANN – TARANN… tararannn… tantannn… taraaa – raannn… tarara – ra – raranann…

Natatawang dumapa sa pagkakahiga sa kama si Liza. Ibinaon niya ang mukha sa malambot na unan. Dinig niya sa kanyang kuwarto ang pagtugtog ni Boboy ng harmonica nang gabing iyon. Magkatapat kasi ang kanilang kuwarto, pader na dinding lang ng dalawang apartment ang pagitan. At nakabukas ang kanyang bintana.

Sira talaga ang Boboy na to. Hunyo pa lang, tinutugtog na agad ‘yong You’re All I Want For Christmas!

May kumatok sa pinto. “Liza…”

“Hindi naka-lock yan, Divie.”

Pumasok si Divie, tuluy-tuloy sa kama niya. “Ipod ka nga…”

Umipod siya. Nahiga sa tabi niya si Divie. Napatawa rin nang marinig ang pamaskong himig na tinutugtog ni Boboy.

“Ang aga naman niyang magkaroling.”

“Oo nga,” ani Liza. “Ano bang oras na?”

“Pasado alas-nuwebe. Liza, tuloy ba’ng lakad mo patungong Baguio bukas?”

“Sa Urdaneta muna ako pupunta.”

“Pero tutuloy ka rin sa Baguio?”

“Oo. Me usapan nga kami ni Sammy. Bakit, Divie?”

Bumuntunghininga si Divie. “Wala siyang masamang intensiyon. Naniniwala kami ni Rado na mahal ka niya. And I personally believe that he wants you for a wife.”

“Si Sammy?”

“Yes.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

18 responses to “The Neighbors – Kabanata 12”

  • 1 regina14 says:
    September 20, 2009 at 12:02 pm

    ganda talaga ng story…

    kelan po ulit matatapos
    to..
    excited na ako.

  • 2 daniel says:
    September 20, 2009 at 3:34 pm

    wow ganda talaga nito..
    lalo akong nae-excite
    na magbasa…

  • 3 pink14 says:
    September 20, 2009 at 7:24 pm

    love it

  • 4 GINA says:
    September 20, 2009 at 9:48 pm

    ang ganda talaga,sana may kasunod na agad para di kami mabitin. thanks po uli!

  • 5 nkhcO says:
    September 20, 2009 at 11:51 pm

    Mmmm abangan ko namn ang kasonod nito!

  • 6 g-yan says:
    September 21, 2009 at 1:12 am

    super ganda!!!! super bitin!!!
    Thank you!!!

  • 7 midorilen says:
    September 22, 2009 at 4:36 am

    i love it!!! sana masundan na to…na inspire n rin me mgpapayat..

  • 8 Charm_ganda says:
    September 22, 2009 at 1:16 pm

    hmmmmmmm ano bah yan mama pasaway ka!!!!!!!!

  • 9 aiza says:
    September 22, 2009 at 4:19 pm

    hummm sana tom meron ng next…hayyy super bitin…

  • 10 lonely_prince14 says:
    September 22, 2009 at 4:25 pm

    nkaw! si mommy aman… nakikialam p sa love problem ni sammy boy…
    yan nd n 2loy, mauudlot p ata ang pagtatapat ni sammy… taz baka msasaktan nanaman si liza… :(

  • 11 rhayne says:
    September 23, 2009 at 11:05 am

    stillwaiting for the end of the story…nakakabitin…hahahaha

  • 12 rHina says:
    September 23, 2009 at 3:15 pm

    halo ang tagal naman ng kasunod nito grabe ill always check this site for the next episode pls upload it immediately thanks..

  • 13 mr.big says:
    September 23, 2009 at 6:50 pm

    sana magkatuluyan sila ,more power sa author

  • 14 imperfectangel says:
    September 24, 2009 at 10:16 am

    ……keLan pOe uNg kabanata 13??
    …..i always check everyday pErO uLa pDn,,,

  • 15 silver says:
    September 27, 2009 at 3:46 am

    ahm. i got a little confused sa last part. the result of the toss coin was head right? so they should go to max’s not kentucky. ehehehe. or was it meant as a joke? masyado lng daw ako serious. lol.

  • 16 miyuki says:
    October 11, 2009 at 1:29 pm

    kung sino po writer pwede ba me su mali may mga novels din kasi kami ng class mates ko sa school

  • 17 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 8:31 pm

    ..+i hatE kbAnAtA 12…

    pTi AcUe
    nAhUhUrt…

    hUhUhUhU…

    AffEctEd dN AcUe….

    12.5….

  • 18 nhie says:
    January 31, 2011 at 8:25 pm

    ganda ng story :) )

Mag-iwan ng mensahe...