Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 3

Bumuntunghininga si Rado kasabay ang pagbubuga ng usok paibaba. “Natural naman. Mahigit din ngang tatlong taon kaming nag-live-in. At kung hindi kami nag-away no’ng March, pakakasal na nga sana kami this coming June. Pero, Liza, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos sa nangyari…”

Napatango siya. Madyungera at nagger ang dating ka-live-in ni Rado. Hindi marunong sa pamamahay. Ngayon na lang pumuti ang toilet bowl sa apartment na iyon. Pinagtulungan nilang linisin ni Divie. Nag-defrosf sila ng refrigerator. Pinaputi rin at naging parang bago uli. Gayundin ang gas range.

Pinalitan ni Divie ang mga kurtina sa salas last week. Nagpabili si Divie ng bagong chandellier. Kung ilang beses nilang pinasadahan ng mop ang linolyum ng sahig. Nag-withdraw ang kaibigan niya ng sariling pera sa ATM para lang magkaroon ng decorative plant sa loob sa apartment ng kanilang kapitbahay na iniwan ng ambisyosang ka-live-in.

Kaya siguro nga’y labis-labis ang pasasalamat ni Rado nang maging nobya ang kanyang kaibigan. Masuwerte pa rin ang lalaking ito pagkat nang layasan ni Chona ay isang tulad ni Divina ang agad na naging kapalit.

Kunsabagay ay hindi kataka-takang magka-gustuhan agad sina Rado at Divie. Noon pa niya halata na may lihim na gusto ang kanyang kaibigan kay Rado, kahit na nga akala nila noong una ay asawa na nitong tunay si Chona at hindi ka- live-in lang.

TUMUNOG ang doorbell mayamaya. Si Rado ang nagbukas ng pinto. Sumunod si Liza rito pagkat tapos na ang paghuhugas niya ng pinagkanan.

Ang nag-doorbell ay si Divie.

“Liza, suot mo pa ba ang singsing?” tanong nito nang makita siya. Nakapasok na ito sa salas. “Kasi gustong bawiin ni Mrs. Cuervas.”

Nagkatinginan sila ni Rado. Nagkatawanan.

“Don’t misunderstand Mrs. Cuervas,” ani Divina na napatawa rin. “Binabawi niya ang singsing na yan pero pinapalitan ng mas mamahalin — or as she said so.”

“Bakit naman daw, Divie?” ani Rado.

“For sentimental reason. Pamana pala ‘yan ng lola ni Sammy sa daddy niya. At ‘yan daw ang naging engagement ring nina Mr. and Mrs. Cuervas. Naniniwala sila sa isang superstition, Rad. Kapag daw napunta sa di kinauukulan ang singsing na ‘yan ay mamalasin ang buong angkan. So –”

“Liza, hubarin mo na ‘yan,” nakangiting baling sa kanya ni Rado. “And,” — tumingin ito kay Divie — “huwag mo na lang tanggapin ‘yong ipapalit.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

25 responses to “The Neighbors – Kabanata 3”

  • 1 dionabeth says:
    August 8, 2009 at 1:19 am

    ang ganda ng kwento sana po araw ang posting

  • 2 sylvanna says:
    August 11, 2009 at 4:25 am

    nakakabitin naman ‘to. kindly upload the next chapter pls. thanks. :)

  • 3 joan says:
    August 11, 2009 at 10:13 am

    bitin kaya ako,hehehhehehe..but its nice ha/sana sa susunod mataas ang story.para hindi naman ko mabitin,, thank you so muchh to share with me this story from pocketbook

  • 4 cheche says:
    August 11, 2009 at 4:46 pm

    bitin..

  • 5 shakywitt says:
    August 11, 2009 at 6:59 pm

    ang ganda naman nang story sana may susunod pang kabanata….abangan ko yon!!!!

  • 6 Godes says:
    August 13, 2009 at 10:59 am

    asan naahh? wwwwwwwaaaaaaaaahhhhhhhhhh

  • 7 AshLey says:
    August 14, 2009 at 8:46 am

    haist..
    next
    chapter
    please//]
    ahhehehehehe

  • 8 niekk0h says:
    August 14, 2009 at 10:12 pm

    Hay naku,bt wla pa ung nxt chap?.,tagal n 2 d n2loy ah.,sna 2loy nio n po!,tenx!

  • 9 lh0u says:
    August 14, 2009 at 11:11 pm

    kelan p0h e2 msu2ndan!
    plzzz san np0h ksun0d naka2bitin p0h e�…
    thanks�

  • 10 riza says:
    August 15, 2009 at 5:05 pm

    uy ang ganda talaga!!!!hehee

  • 11 shakywitt says:
    August 17, 2009 at 1:38 am

    Hay nako wala pang susunod na kabanata ang tagal naman…

  • 12 Joselle says:
    August 17, 2009 at 8:21 pm

    Next chapter plzzzz…

    I can no longer wait…

  • 13 ana says:
    August 18, 2009 at 2:15 pm

    hello i really enjoy reading or novels… thnx for sharing it…

    sana masundan na yong chapter nito i really enjoy reading this

  • 14 shakywitt says:
    August 19, 2009 at 3:07 am

    Hallooooooooo!!!!!!!!!!!!!Bakit wala pang ibang kabata ang tagal ko nang hinintay……sana masundan na ito plssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!huwag mo na kaming ibitin…….

  • 15 Rissa Panaligan says:
    August 20, 2009 at 1:09 am

    haizt… i cant wait btn n btn aqoh kelan poh ul8 ung nxt…

  • 16 ivy estrada says:
    August 20, 2009 at 12:14 pm

    maganda ung kwento, hanggang ilang kabanata ba yung balak niyang gawin?Paanu ba kung ako naman ang magpapasa ng nobela ko?pde ba ako?

    • 17 Martha says:
      August 22, 2009 at 11:57 pm

      i-email nyo lang po sa [email protected] kung meron kayo gustong i-share na stories. tnx!

  • 18 donnalyn says:
    August 20, 2009 at 9:26 pm

    ganda ng story,,

    next na,,

  • 19 Belle says:
    August 21, 2009 at 3:06 pm

    where’s the next chapter?

    we can no longer wait!!!

    please post it immediately!!!

  • 20 lonely prince 14 says:
    August 23, 2009 at 5:30 pm

    hay ang ganda ng story kaso bitin… sana masundan na po agad… hihintayin ko po talaga yan…. i really love to read love stories, it takes my stress away… nxt chapter…. :)

  • 21 bunny says:
    August 25, 2009 at 10:42 am

    grabe ang tagal ng next chapter 2 weeks na ata walang update anung dekada naaaaaaaaaa

  • 22 jp says:
    August 25, 2009 at 4:24 pm

    Bitin naman… may I suggest pwede bang mainlove si sammy kay liza at sila ang magkatuluyan kung papano yn ang magiging twist sa story para ma excite ang mga mambabasa di ba?

  • 23 dionabeth says:
    August 25, 2009 at 11:53 pm

    bat wala po yng kasunod chapter 4 na pls ang ganda pa nman ng kwento nya

  • 24 bumble says:
    April 12, 2010 at 9:44 pm

    lol funny huh! xD

  • 25 jhon bagtas says:
    April 19, 2010 at 3:29 am

    ayos tong kwento n toh ok bsahin…

Mag-iwan ng mensahe...