Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 4

“Pero, Engineer… alas-dos pa lang ng madaling-araw. Sarado pa ang hardware!”

“So what? Gisingin nyo dahil emergency kamo. Hindi ho natin puwedeng isara sa trapiko ang tulay na ‘to hanggang mamayang alas-singko. Alam naman ninyong hanggang alas-singko lang ang ibinigay sa ating permit!”

“Samahan n’yo na lang kami, Boss! Baka ho magalit sa amin ‘yong me-ari ng hardware!”

Tang’na naman…! Kaka-high blood ang mga tauhang ‘to ni Kuya Mark! Saan ba n’ya pinagkukuha ang mga ‘to? Tumalon siya mula sa boulder.

“Akina ho’ng susi,” aniya. “Kung sasama rin lang ako, maiwan na lang ho kayo rito. Pare-pareho pa tayong maaabala.”

“E kasi nga —”

“Tuluy-tuloy pa rin ang pagkakabit ng slab,” bulyaw niya. “Mag-iiwan ako ng tatlong kahong welding rod. Pagtiyagaan na muna kahit mali basta h’wag lang matigil ang trabaho.”

“Ganoon nga ang gagawin, ‘Gineer,” anang kapatas. “Iniutos ko na. Basta maistedi lang muna ang mga slabs…!”

Kinuha niya ang parang cellphone na walkie-talkie mula sa kanyang beywang at ini-on. “Aalis lang ako sandali, Jim! Tuluy-tuloy lang, ha?”

Ni hindi siya nilingon ng crane operator. Minamaniobra nito palapit sa tabi ng tulay ang isang slab. “Oo, sir,” narinig niyang tugon nito. Naka-headphone at micro mic ito. “May steelmatting na ba sa bandang ibaba ng ilog? Doon na ‘ko pupuwesto pagkatapos ng isang to.”

“Nakalatag na!” aniya at ini-off ang instrumento.

SA pagkadismaya ni Sammy, hindi pa rin natapos ang paglalagay ng railing sa tulay nang umagang iyon.

Tulad ng inaasahan niya, nang tawagan niya mula sa field office si Engr. Dante Morales, kapatid ni Divina at project engineer nila, nagmura ito pagkat masasabon din sa main office.

“Tumiyempo na lang kayo mamayang maghahatinggabi, Sam,” sabi nito. “Pagkatapos n’yan, dito ka na lang muna uli sa opisina. Si Mark na lang ang pakikiusapan kong pumariyan.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 4”

  • 1 bunny says:
    August 26, 2009 at 11:49 am

    aba…………… i love it
    ate pakituloy na po ito asap
    kinikilig ako
    feeling ko sya ang meant para sa singsing kaya
    ayaw matangal
    jajaja
    >.<

  • 2 sylvanna says:
    August 29, 2009 at 2:23 am

    finally, may continuation na din ulit. ang tagal ko hinintay. sana tuloy tuloy na. thanks.

  • 3 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:44 am

    amf ang ganda na sana. kaya lng bkit ganon?.. its been a year.. and still this story isn’t finish yet?.. (sigh)

  • 4 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:53 am

    awe! to the writer im sorry.. it was my bad.. i didn’t notice my lt hanged.. axactly at the part where it says,.. ITUTULOY.. thats y i thougj it wasn’t finis yet.. im sorry. peace! ^_^

    • 5 jennysweety_21 says:
      December 29, 2011 at 12:59 pm

      may next kabanata po..

  • 6 pazawaiy_19 says:
    January 7, 2012 at 11:50 am

    uhmf. . .i thnk mAganda
    aman to . .mixed w/ comedy
    kaxo parang over aman sa
    details heheh. , ;)

Mag-iwan ng mensahe...