Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 4

Kunot-noong napatitig siya sa kanyang ina. At nagulat pa siya pagkat noon lang niya napansin na mas may similaridad pa si Liza sa kanyang ina kaysa kanyang Tita Cory na nakababatang kapatid nito.

“Oo nga ho, Mom,” nasabi na lang niya. “Para nga hong kamukha ni Tita Cory ang babaing ‘yon.” Pero sa tingin ko’y mas kayo ang magkamukha!

MAYAMAYAY nilapitan siya ng isa nilang draftsman. Ipinatatawag daw siya ni Dante sa private office nito. Nasa ibaba iyon, ikalawang sahig ng building na kinaroroonan ng kanilang main office sa Pasig City.

Akala ko talaga’y magiging magbayaw na kami ni Dante, naisaloob niya habang naglalakad na sa hagdan pababa. Salbahe talaga ang Divinang ‘yon. Pinaasa lang ako. At ipinahiram pa kay Liza ang ibinigay kong engagement ring! Salbahe talaga!

“Upo ka muna, pare,” sabi ng 29 na taong gulang na kapatid ni Divina pagpasok niya sa opisina nito. “May pag-uusapan tayo.”

Naupo siya. “Tungkol saan?”

“Natatandaan mo iyong pa-bidding sa Camp John Hay last month?”

“Oo,” tango niya. “Talo tayo roon, di ba? Nakuha yon ng Subic Bay Erectors.”

Umiling si Dante. “Naremedyuhan ‘yon nina Mr. Benitez at Big Boss. Na-sub natin.”

Na-subcontract ang ibig sabihin ni Dante. Sa bulgar na salita’y “binili” nila ang napanalunang bidding ng binanggit niyang engineering firm.

“So… ano’ng assignment ko, Dante?”

“Manonood ka lang sa akin habang sinu-supervise ko ang paglalagay ng pundasyon at flooring. Matrabaho ang pagpupundasyon doon dahil nga bundok ang Baguio. Kailangang sanay ka sa pagi-grading.”

“Di ba’t kayang-kaya naman ng mga foreman ‘yon?”

“Oo nga. At doon tayo mas natututo. Pero paano kung magtanong sila sa inhenyero? Kailangang may alam ka rin. Baka hula-hula lang ang isagot mo e madadale na naman tayo ng mga inspectors from the city engineering department. Sammy, maski top notcher ka pa sa board, aminin mong mas marami pa ring alam kesa sa ating mga inhenyero ‘yong mga beteranong foreman. Huwag kang magdunung-dunungan sa mga ‘yon. Masusupalpal ka lang.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 4”

  • 1 bunny says:
    August 26, 2009 at 11:49 am

    aba…………… i love it
    ate pakituloy na po ito asap
    kinikilig ako
    feeling ko sya ang meant para sa singsing kaya
    ayaw matangal
    jajaja
    >.<

  • 2 sylvanna says:
    August 29, 2009 at 2:23 am

    finally, may continuation na din ulit. ang tagal ko hinintay. sana tuloy tuloy na. thanks.

  • 3 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:44 am

    amf ang ganda na sana. kaya lng bkit ganon?.. its been a year.. and still this story isn’t finish yet?.. (sigh)

  • 4 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:53 am

    awe! to the writer im sorry.. it was my bad.. i didn’t notice my lt hanged.. axactly at the part where it says,.. ITUTULOY.. thats y i thougj it wasn’t finis yet.. im sorry. peace! ^_^

    • 5 jennysweety_21 says:
      December 29, 2011 at 12:59 pm

      may next kabanata po..

  • 6 pazawaiy_19 says:
    January 7, 2012 at 11:50 am

    uhmf. . .i thnk mAganda
    aman to . .mixed w/ comedy
    kaxo parang over aman sa
    details heheh. , ;)

Mag-iwan ng mensahe...