Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 6

Lumagok si Sammy sa orange juice nito at tumango. “Ako na lang ang maghahatid sa yo sa Circle bukas, gusto mo? Magdya-jogging na rin ako.”

Napangiti siya nang maluwang. “E bakit?”

“Wala. Di ba friends na tayo?” Tumingin ito sa singsing na suot ni Liza. “Hindi na namamaga ang daliri mo, ano?”

“Oo. Pero hindi ko pa rin pinipilit hilahin itong singsing dahil baka mamaga na naman at lalong —”

“Take your time, Liza. Masyado lang kasing superstitious si Mommy, e. Kung ako’ng masusunod, I’d just forget all about that ring. Makakabili naman ako ng bago kung kailangan ko na uli.”

Tumango si Liza. “Okey, sabay na tayong mag-jogging bukas sa Circle. But on one condition…”

“Yes?”

“Papayagan mo akong kumain ng isang mangkok na goto pagkatapos.”

“HINDI puwede,” matigas na pagpapasiya ni Rado kinagabihan. Tapos na silang maghapunan at naglalaro ng scrabble. “Basta’t kami pa rin ni Divie ang maghahatid sa ‘yo sa Circle pagkat baka pakainin ka na naman ni Sammy roon ng kung anu-ano. Ang dami yatang eateries doon. He is spoiling you, Liza.”

“Oo nga,” ani Divie. “Tulad na lang kanina. Pinakain ka na naman niya ng steak! Abay me pagkasira ‘ata ang Sammy na yon. Pinagre-reduce ka ng mommy niya para mabawi ang engagement ring na yan. At ngayon e heto siya… sinisira ang pagda-diet mo!”

“Right,” ani Rado. “Ayaw niya sigurong matanggal ‘yan sa daliri mo.”

“At bakit naman?” nakairap na tanong ni Liza. “Sus, nawi-weird-dan ako sa inyong dalawa! Ano naman kaya’ng dahilan at ayaw niyang matanggal ang singsing na ‘to sa daliri ko?”

“Para patuloy na ma-guilty si Divie.” Tumawa si Rado. “Habang nasa daliri mo ang singsing na ‘yan, akala siguro ng Sammy na iyon e patuloy na nagi-guilty itong si Divina sa pagbasted sa kanya.”

“Siguro nga,” ani Divie. “Sus, nagkakamali siya. Ayoko ngang tanggapin ang singsing na ‘yan e.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “The Neighbors – Kabanata 6”

  • 1 charmz says:
    December 6, 2010 at 3:14 am

    prang aq ung bida? cmula na mheartbreak ala na gnwa kundi kumain at m2log!:D

  • 2 Gladden says:
    January 24, 2011 at 3:53 pm

    Asan na ung nxtchaptr?

Mag-iwan ng mensahe...