Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 6

“I see,” ani Liza. “Saang side mo pinsan itong mag-inang Lucy at Boboy, Rado?”

“Sa father side. Five years nang biyuda si Tiya Lucy. Dalawa lang ang naging anak niya kay Tiyo Dado ko. Conrado rin iyon. Ang panganay nila ay si Myrna, nasa Singapore. DH doon. At ang pangalawa nga ay si Boboy. Si Myrna ang susuporta kay Boboy sa pagko-kolehiyo. Dating tindera sa bakery si Tiya Lucy pero ngayo’y wala nang trabaho. Kaya kukunin ko na lang maid-labandera — dahil nagpiprisenta, e.”

Nakangiting tumingin si Liza sa kaibigan. “Divie, mababawasan na rin ang mga labahin natin, ano?”

“Oo nga,” ani Divie. “At me tagapagluto na rin si Rado ng almusal.”

“Huwag n’yong sabihing hindi n’yo na ako papayagang makisalo sa inyo sa pag-aalmusal,” reklamo agad ni Rado. “I like Liza’s hot cake and your maruya a lot, Divie.”

“Atsows!” ani Liza. “Talaga ‘kamong lagi mo lang gustong makasabay sa pagkain si Divie.”

“Yes,” ani Rado. “‘Yon pa nga ang isa. O, bakit uminom ka na, Liza? Tapos ka na bang kumain?”

Tumango siya. “Nakakawalang gana naman itong tortang itlog, e.”

“Ang daming natirang kanin sa plato mo,” puna ni Divie. “Naku, kapag hindi ka pa pumayat niyan, something is certainly wrong with your metabolism.”

Inilagay niya sa harap ng kanyang mukha ang likod ng kanyang kaliwang palad. “Nabawasan na uli ng isang guhit ang timbang ko,” aniya. “Kumakati na ang munting sugat ko sa daliri. Gumagaling na. Siguro, after three days more e matatanggal ko na rin sa daliri ko ang singsing na to.”

Bumaling si Divie kay Rado. “Pumapayat na nga siya, Rad. Look at her.”

Tumingin sa kanya si Rado at tumango. “Medyo nga napa-flat na ang mga pisngi mo. Lalo tuloy tumangos ang iyong ilong. Kung ako sa yo, kahit matanggal na ‘yang singsing na ‘yan sa daliri mo, itutuloy ko’ng pagda-diet.”

Ngumiti lang siya.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “The Neighbors – Kabanata 6”

  • 1 charmz says:
    December 6, 2010 at 3:14 am

    prang aq ung bida? cmula na mheartbreak ala na gnwa kundi kumain at m2log!:D

  • 2 Gladden says:
    January 24, 2011 at 3:53 pm

    Asan na ung nxtchaptr?

Mag-iwan ng mensahe...