Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 8

PINIGIL siya ni Sammy nang aktong bubuksan niya ang pinto ng kotse para umibis na. Mag-aalas-onse ng umaga ring iyon nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.

“Wait, Liza…”

Nakangiting tumingin siya rito. “It’s all right, Sam. Maski hindi mo ako ipagbukas ng pinto ay alam ko namang very gentleman ka.”

“Okay, you can open your door but wait.”

May kinuha ito sa likod ng sandalan ng upuan ni Liza. Isang pulang rosas na may mahabang tangkay at tatlong berdeng dahon. Ibinigay nito iyon sa kanya.

“Sammy —”

“It’s just a rose. A friendly rose…”

Tinanggap niya ang bulaklak. “Salamat.”

Halos sabay pa sila nang umibis sa kotse. Nauna siyang makalapit sa gate. At medyo nagulat pa siya nang marinig ang tunog ng isang harmonica.

Nasa pulang swing si Boboy.

Dati nga’y garahe ng daddy ni Divie ang harap ng kanilang apartment. Ginawa nilang hardin ng mga halaman sa paso ang garahe nang makabili na ng house and lot sa Bulacan ang mga magulang ng kaibigan niya, at maging magka-share sila sa apartment. Hindi binitiwan ng pamilya ang apartment para may matirhan si Divie sa Meto Manila. Mahirap mag-commute araw-araw patungo at mula sa Bulacan.

Sa isang sulok ng dating garahe’y naglagay si Divie ng isang swing. Pahingahan nila sa labas ng bahay. A nook to stay kapag nakakasawa nang magkulong sa kuwarto, o manood ng telebisyon at makinig ng stereo music sa salas.

Ngayo’y nasa swing si Boboy, nakaupo nang patalikod sa gate, tinutugtog sa harmonica ang napakasiglang himig ng isang awitin:

Tarara – rarararan… tarara – rarara – ran… tatt -tat – tararan – tat – tatt.. tatattaraannn…

Napatigil din si Sammy sa tabi ni Liza nang makalapit sa gate. Nawili rin ito sa pakikinig sa masiglang himig na iyon.

“Who’s he?”anas ni Sammy.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

11 responses to “The Neighbors – Kabanata 8”

  • 1 g-yan says:
    September 2, 2009 at 7:57 am

    nakakapanabik naman!!!
    hahaha! si Liz naman! sige! magpapayat ka! tignan natin kung ano ang mangyayari!!!
    update soon!!!

  • 2 erem says:
    September 2, 2009 at 4:18 pm

    ano ba yan!! Bitin naman!!! tapusin nyo na poh!!! hehehehe!! thankssss

  • 3 dionabeth says:
    September 3, 2009 at 3:17 am

    ang ganda mo po ng story..nasa chapter na pls at saka ma end n yong story.ganda po tlga

  • 4 larah says:
    September 3, 2009 at 4:18 am

    pls post ny0 na ung next chapter…looking foreward t0 it…s0ooo much…

  • 5 Tess says:
    September 3, 2009 at 9:51 am

    naku…sabik na akong matapos yan…nakakabitin.

  • 6 Bembem says:
    September 4, 2009 at 8:01 am

    Hi po.. sana may kadugtong na.. di ko pa nababasa kasi wala pang kadugtong… pls naman po… salamat!

  • 7 lonely prince 14 says:
    September 4, 2009 at 8:32 pm

    wow!!! bago n ung itsura ng site ah…
    mas nk2ganang magbasa…
    may kanta pa…. Amazing…
    i just can think a word for this…
    think we need to create a new word to describe this….

    • 8 Tagapangasiwa says:
      September 4, 2009 at 8:51 pm

      salamat naman po kung na-appreciate mo ‘tong mga pagbabago sa site natin :-D

      yung comment mo yata noong isang araw ang naging inspirasyon kung bakit merong mga konting changes dito ;-) ty.

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 7:05 pm

    ..+kiLig ds pArT
    kAbAnAtA 9.2….

    hahAhAhAhA…

    mOrE pOwErs,,…

    ALmOst 7
    mOs..
    ncUng di nkA2bAsA
    ng pOckEt bOoks..
    tNx sA wEbsiTe n2..

    d2 kC AcUe kOrEa..
    wLang pOckEt bOok d2..
    hehehehe….
    tnx,…aLot…

  • 10 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:06 am

    ganda nman po ng story nio po .kung nanaisin nio po sana pgbigyan nio po favor kong icopy paste ko po e2 sa site club ko po?dont worry po.lalagyan ko po ng inyong pangalan upang ang iba po ay malamn po ang inyong magandang akda.salamat po.sana’y pumayag po kyo sa aking request.kung nd nman po malugod q rin pong mauunawaan.thank u.Godbless.

  • 11 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:15 am

    kung payag po kayo ay iemail back nio lang po ko sa aking email add.tnx po ult.more power author!

Mag-iwan ng mensahe...