Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 9

NATULOG agad siya pagkatapos maghapunan pero nagising nang maghahatinggabi na. Namulatan niyang nakaupo na naman sa gilid ng kama niya si Divie, niyugyog siya sa isang braso.

“Liza, baba ka muna sandali…”

“Bakit?”

“Si Boboy… nagwawala sa labas. Lasing na lasing at nagbabalak magpakamatay!”

“Ha?” Mulagat na napabangon siya. “Magpa-pakamatay? E bakit?”

“Bigo daw kasi siya sa ‘yo,” napapahagikhik na sabi ni Divie. “Ayaw na raw niyang mabuhay kung bigo din lang sa pag-ibig. Pakipuntahan mo nga sa swing… doon pa yata gustong magbigti!”

Magkasunod silang bumaba at nagkubli muna sa pintuan ng apartment. Nakita ni Liza na mula sa isang kahoy na pakuan ng bubong ng swing, isang dilaw na nylon cord ang nakalawit. Nakalupasay si Boboy sa sahig, patay-lasing. Hinihila ni Rado ang isang kamay nito.

“Halika na, ‘oy,” nagtatawang sabi ni Rado. “Doon ka na lang magbigti sa atin, Boboy. Huwag dito sa swing. Ang baba ng bubong nito, o. At magagalit si Ate Divie mo pag nasira to.”

“Naaapakasakittt, Kuya Rado…” panangis ni Boboy. “Hindi ko khaya to… hindee, hindee, oh no! My God, ngayon lang ako natutuhong huumibeggg… magma’al nang tapahaat! At bigumbigo hakkoooo…! Naphhakasakit naman… arayyy!”

“Gago! Ang OA mo talaga! Naffakasakit daw…! Pwe!”

“E sa nafakashakit mo namang humawak, e! Arayyy… b-b-bitiwan mo’ng kamay ko, Kuya!”

Binitiwan ito ni Rado. Nagkahagikhikan sina Liza at Divie sa may pinto.

“Doon na tayo sa bahay,” nagtatawang sabi uli ni Rado. “Mas kumbinyenteng doon ka magpakamatay. Dito, ang sikip-sikip.”

“Hayokoo… ghusto ko munang makita si Liza…!”

Lumabas si Liza. Lumapit siya sa swing. “Anong problema, Boboy?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

12 responses to “The Neighbors – Kabanata 9”

  • 1 cheche says:
    September 6, 2009 at 12:58 pm

    next pls..

  • 2 mackie says:
    September 7, 2009 at 3:39 am

    aw! bitin nmn… woot woot

  • 3 desa says:
    September 8, 2009 at 5:29 pm

    ,.bitin paki tuloy

  • 4 lonely prince 14 says:
    September 8, 2009 at 6:04 pm

    nxt chapter nmn…

  • 5 Rayane says:
    September 8, 2009 at 10:56 pm

    pktp0s n po ung last chapter..tgl q n po kc w8 ung end ne2..kelan po b lalabas?tnx p0..

  • 6 rHina says:
    September 9, 2009 at 12:55 pm

    pki upload amn yung next..ksi e2 lng libangan ko d2 sa opis..kainip la mbasa eh..tpos at ska md u nlayo ang istorya..ang bgal ng kwento

  • 7 zah says:
    September 9, 2009 at 3:34 pm

    wala pa po ba ung last chapter kakabitin naman po..xaka wala po ba bagong wento…

  • 8 charmz says:
    December 6, 2010 at 5:41 pm

    AnG hBa aMan nG hAiR.. AbOt hNgGanG eDsA..

  • 9 zelle says:
    January 4, 2011 at 10:21 am

    gndA nMan…xfAna d aqu mBitin !!

  • 10 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 11 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 12 jennysweety_21 says:
    December 30, 2011 at 12:43 am

    bakit an daming nagtatanong,na about sa next chapter,may kasunod naman ahh..,

Mag-iwan ng mensahe...